Martes, Agosto 17, 2010
Bakit nagiging kaybigan ng guro ang estudyante?
Nagiging kaybigan natin ang ating mga titser kapag tayo ay, pasaway, narunong, aktibo sa klase.. at higit sa lahat ay kung mabait tayo sa kanila.. lalo na kung marunong tayong makisama.
Lunes, Agosto 16, 2010
How to be an Effective Teacher
How to be an Effective Teacher
How hard is it to be an effective teacher? What are the things that you should know and avoid?
Here are some tips on how to be an effective teacher. First, you should love teaching as a profession. A good teacher masters his/her lessons and inspires students to what to do well or to know more. Next, always remember that a teacher do not become effective from a book or a college course. They learn to be effective by finding out what works and what doesn't. Lastly, you should love to teach children especially the younger ones. And you also need to show your students, through your words and actions, that teaching is a two-way relationship, providing you with personal reward and challenge. Dedication, hard work, patience, self-discipline, determination and love to your profession are the building blocks to be an effective teacher.
Teacher As Enemy ni ( Jackielyn Kennedy Sunga)
Teacher As Enemy
ni
Jackielyn Kennedy Sunga
Bilang isang guro hindi maiiwasan ang makipagtalo sa kanyang estudyante. May mga ilang bagay kase na hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawa. Nasa guro naman iyon kung paano siya makitungo sa kanyang mga mag-aaral.
Kung ang guro ay laging mainit ang ulo o laging pinagbubuntungan ng galit ang kanyang mga estudyante ay talagang mawawalan sila ng respeto at lalaban sila ng patalikod mula sa kanya. Kapag naman ang guro ay marunong makitungo sa kanyang mag-aaral, siguradong magpapakita sila ng maayos at may respetong pakikisama.
Sa pagtuturo hindi lang yung karunungan na ibinabahagi ninyo sa kanila ang kailangan, kailangan mo rin silang pakisamahan. Sa klase ng trabahong ito pahaban ng pasensya ang puhunan. Kaya natulad ng sinabe ko nung una nasa guro naman yan kung paano siya makisalamuha sa kanyang mga estudyante.
Mabait Na Guro ni (Jervis Roy G. Mendez)
Mabait Na Guro
ni
Jervis Roy G. Mendez
Jervis Roy G. Mendez
Kapag mabait ang guro masnagugustuhan ito ng mga estudyante. Nagkakaroon sila ng inspirasyon sa pag-aaral at dahil dito tumataas ang kanilang marka. Kaya naman natutuwa ang mga magulang dahil hindi nababale wala ang kanilang pagsisikap na maitaguyod ang kanilang anak sa pag-aaral.
Mas nag-aaral ng mabuti ang mga mag-aaral kapag ang kanilang guro ay magaling magturo at magaling makisama. Kaya naman madali nilang nahuhuli ang kiliti ng mga estudyante. Minsan hinahaluan nila ng mga jokes ang kanilang pagtuturo upang hindi mabagot at maging ganado sila sa pakikinig sa mga aralin. Tinuturuan din nila ito ng magagandang asal at pananalig sa diyos. Dahil dito masnahuhubog ang kanilang tamang pag-uugali at hindi sila maliligaw ng landas.
Ito naman ang negatibong nangyayari kapag masyadong mabait ang guro. Inaabuso ito ng ilang mag-aaral at dahil dito mas-inuuna na nila ang kanilang paglalakwatsya kumpara sa kanilang pag-aaral. Kaya naman napipilitan ang mga guro na maging terror sa kanilang tinuturuan.
Teachers As Gift Of God ni (Lester Baluyot)
Teachers As Gift Of God
ni
Lester Baluyot
Merong mga guro na talagang pinapahalagahan ang kanilang mga estudyante. At merong namang guro na walang pakialam sa kanilang mga estudyante. At ang mga gurong nagpapahalaga sa mga kanilang estudyante sila talaga ang masasabing teachers as gift of God. Dahil ang mga gurong iyon sila ang nagtuturo at nagpapalawak ng mga kaalaman ng kanilang mga estudyante. Dahil ang gurong mabait at marunong magturo sa kanyang estudyante, kahit kailan hindi makakalimutan ng mga estudyante niya ang kanyang mga itinuturo. At igagalang siya ng kanyang mga estudyante. At ang mga gurong walang pagpapahalaga sa kanyang mga estudyante kahit kailan hindi sila igagalang ng mga estudyante. At dapat lahat ng guro ay merong pagpapaumanhin o pagpasensya sa kanyang mga estudyante. Dahil kapag ang isang guro na walang pagpapasensya hindi sila makapagtuturo ng mabuti sa kanilang klase. Dahil hindi mo naman masasabi na sa loob ng isang klase na walang makulit o maingay sa kanila. Kaya kailangan merong kang pasensya at wag mo kaagad sasaktan ang mga estudyante. Dahil kapag sila ay nagsumbong baka mawala ang pinaghirapan mo at masisira ang pangarap mo sa iyong buhay.
Guro Bilang Inspirasyon ni (Sarah Jane B. Rabano)
Guro Bilang Inspirasyon
ni
Sarah Jane B. Rabano
Inspirasyon, ano nga ba ang ibig sabihin ng inspirasyon? Para sa akin ang inspirasyon, ay nangangahulugan na motibasyon kasi na mo-motivate kang gawin ang isang bagay lalo na kung ayaw mo ito. Kadalasan ang kabataan ngayon, dahil sa kanilang walang hanggang kapaguran sa pagtuturo, dahil sa pagtitiyaga na magturo sa kabila ng mga maiingay na estudyante.
Sa lahat ng mga katangian ng guro, pagiging mapagpasenya at pagiging mapang-unawa ang pinaka epektibong katangian ng isang guro, sapagkat kung walang pang-unawa ang isang guro sa kanyang estudyante, lalo lang siyang hindi maiintindihan ng estudyante, at ito ang katangian ng aming guro na naging inspirasyon namin sa Masantol High School siya ay si Sir.George Santos, isang guro na walang pakialam sa sahod ang nais lang ay maturuan ang kanyang mga estudyante kung papaano maging isang tunay na mag-aaral na hindi dapat pinapaikot ang utak sa grado kundi ilagay sa utak o isip at puso ang tunay na kahalagahan ng edukasyon.
Sa tulong ni Sr.George nais kong ipagpatuloy ang kursong pagguguro sapagkat gusto kong turuan ang mga kabataan ng kung anong naituro niya sa amin, dahil rin sa inspirasyon kong ito gagampanin ko ng buong puso ang pagiging guro.
Kaya salamat, salamat sa aking guro bilang inspirasyon.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)