Teachers As Gift Of God
ni
Lester Baluyot
Merong mga guro na talagang pinapahalagahan ang kanilang mga estudyante. At merong namang guro na walang pakialam sa kanilang mga estudyante. At ang mga gurong nagpapahalaga sa mga kanilang estudyante sila talaga ang masasabing teachers as gift of God. Dahil ang mga gurong iyon sila ang nagtuturo at nagpapalawak ng mga kaalaman ng kanilang mga estudyante. Dahil ang gurong mabait at marunong magturo sa kanyang estudyante, kahit kailan hindi makakalimutan ng mga estudyante niya ang kanyang mga itinuturo. At igagalang siya ng kanyang mga estudyante. At ang mga gurong walang pagpapahalaga sa kanyang mga estudyante kahit kailan hindi sila igagalang ng mga estudyante. At dapat lahat ng guro ay merong pagpapaumanhin o pagpasensya sa kanyang mga estudyante. Dahil kapag ang isang guro na walang pagpapasensya hindi sila makapagtuturo ng mabuti sa kanilang klase. Dahil hindi mo naman masasabi na sa loob ng isang klase na walang makulit o maingay sa kanila. Kaya kailangan merong kang pasensya at wag mo kaagad sasaktan ang mga estudyante. Dahil kapag sila ay nagsumbong baka mawala ang pinaghirapan mo at masisira ang pangarap mo sa iyong buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento