Lunes, Agosto 16, 2010

Mabait Na Guro ni (Jervis Roy G. Mendez)

Mabait Na Guro
ni
 Jervis Roy G. Mendez


       Kapag mabait ang guro masnagugustuhan ito ng mga estudyante. Nagkakaroon sila ng inspirasyon sa pag-aaral at dahil dito tumataas ang kanilang marka. Kaya naman natutuwa ang mga magulang dahil hindi nababale wala ang kanilang pagsisikap na maitaguyod ang kanilang anak sa pag-aaral.


       Mas nag-aaral ng mabuti ang mga mag-aaral kapag ang kanilang guro ay magaling magturo at magaling makisama. Kaya naman madali nilang nahuhuli ang kiliti ng mga estudyante. Minsan hinahaluan nila ng mga jokes ang kanilang pagtuturo upang hindi mabagot at maging ganado sila sa pakikinig sa mga aralin. Tinuturuan din nila ito ng magagandang asal at pananalig sa diyos. Dahil dito masnahuhubog ang kanilang tamang pag-uugali at hindi sila maliligaw ng landas.


       Ito naman ang negatibong nangyayari kapag masyadong mabait ang guro. Inaabuso ito ng ilang mag-aaral at dahil dito mas-inuuna na nila ang kanilang paglalakwatsya kumpara sa kanilang pag-aaral. Kaya naman  napipilitan ang mga guro na maging terror sa kanilang tinuturuan. 
 

1 komento:

  1. True. Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat maging masyadong mahigpit sa mga estudyante. Laging maghanap ng maayos na paraan ng pagpuna sa kanilang mga nagagawang kamalian.

    TumugonBurahin