Guro Bilang Inspirasyon
ni
Sarah Jane B. Rabano
Inspirasyon, ano nga ba ang ibig sabihin ng inspirasyon? Para sa akin ang inspirasyon, ay nangangahulugan na motibasyon kasi na mo-motivate kang gawin ang isang bagay lalo na kung ayaw mo ito. Kadalasan ang kabataan ngayon, dahil sa kanilang walang hanggang kapaguran sa pagtuturo, dahil sa pagtitiyaga na magturo sa kabila ng mga maiingay na estudyante.
Sa lahat ng mga katangian ng guro, pagiging mapagpasenya at pagiging mapang-unawa ang pinaka epektibong katangian ng isang guro, sapagkat kung walang pang-unawa ang isang guro sa kanyang estudyante, lalo lang siyang hindi maiintindihan ng estudyante, at ito ang katangian ng aming guro na naging inspirasyon namin sa Masantol High School siya ay si Sir.George Santos, isang guro na walang pakialam sa sahod ang nais lang ay maturuan ang kanyang mga estudyante kung papaano maging isang tunay na mag-aaral na hindi dapat pinapaikot ang utak sa grado kundi ilagay sa utak o isip at puso ang tunay na kahalagahan ng edukasyon.
Sa tulong ni Sr.George nais kong ipagpatuloy ang kursong pagguguro sapagkat gusto kong turuan ang mga kabataan ng kung anong naituro niya sa amin, dahil rin sa inspirasyon kong ito gagampanin ko ng buong puso ang pagiging guro.
Kaya salamat, salamat sa aking guro bilang inspirasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento